Ika-labing walo ng Agosto Mil-nuwebe-sientos-otsenta-y-otso.
Ang araw ng kapanganakan ko. At ngayon pagkatapos ng dalawampu't tatlong taon na pananatili ko dito sa mundo, eto pa rin ako hindi alam kung ano ang papel sa buhay. Pero marami naman ang nanyari sa akin, nakatapos ako ng pagaaral, nakahanap ng trabaho sa isang call center, nakapunta kahit papano sa iba ibang lugar, nagkaroon at nawalan ng kaibigan, at marami pa.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin ngayong araw na 'to. Ang nanay ko pinipilit akong maghanda, mula kasi pagkabata ko laging naghahanda ang nanay ko tuwing kaarawan ko, ayoko lang ngayon, ewan, basta ayaw ko lang. Siguro kasi ang kaibahan ngayon eh, ako na ang gagastos ng panghanda ko hindi kagaya nung bata pa ko na ang nanay ko ang gumagastos lahat, kasehodang mangutang pa sya basta makapag handa sya sa kaarawan ko. Hindi ko masabing dahil mature na ko at para sa akin ang paghahanda eh isang kabulastugan lang, naisip ko lang din kasi na dapat dahil kaarawan ko ako ang papasayahin, ako ang bubusugin, hindi ako ang magpapakain, hindi ako ang magpapasaya, sabihin nyo na maramot ako, yun lang kasi ang pananaw ko.
Tumatak kasi sa akin yung ng sinabe ng supervisor ko noon, tinanong nya kasi ako kung bakit hindi ko pinagsasabe na malapit na ang kaarawan ko, sagot ko sa kanya, 'ayaw ko kasing manlibre, ang sabe nya sa akin, hindi daw ako dapat manlibre bagkus dapat ako pa daw ang ilibre dahil nagawa kong mabuhay ng ganun katagal sa mundo, dapat daw ipagsaya yun hindi sa pamamagitan ng paglibre ko sa mga taong bumati sa akin kung hindi ang paglibre o pagpapasaya nila sa akin. Naisip ko, tama sya, ngayon kasi pag kaarawan ng isang tao lagi nating hinaing ang libre, ni hindi na natin naiisip kung ano ba talaga ang gustong gawin ng taong yun sa pinakaespesyal na araw ng buhay nya. Kaya naman kapag kaarawan ng kaibigan ko, hindi ako nagpapalibre, hinihintay ko na lang na sa kanya na mismo manggaling na manlilibre sya. Biro lang!hehe!.
Nagpasa ako ng bakasyon sa trabaho ko sa araw na ito para kahit papano masaya naman ang kaarawan ko, pero ang totoo, hindi ko rin alam kung ano ang gusto kong gawin ngayon. Ang pakiramdam ko ayaw ko makihalubilo sa mga tao ngayong araw na 'to, pakiramdam ko I OWE THIS DAY TO MYSELF. Gusto kong umalis mag-isa pumunta sa mga lugar na hindi ko na napupuntahan at walang nakakaalam. Hindi mo alam pero nasisiyahan ako pag umaalis akong mag-isa lang. Isipin mo ng wirdo ako, pero masarap sa pakiramdam kapag wala kang tinatanong ng 'san mo gusto pumunta?', hindi ko kelangan makipag away kung yung isang kasama ko eh gusto ang isang bagay at ako eh gusto ang isa pa.
Wish. Hindi ko alam kung ano ang hiling ko sa araw na 'to..ewan..siguro ang hiling ko na lang eh ang tumagal pa ang buhay ko at ang buhay ng mga nasa paligid ko, ang mas lumusog pa ang kalusugan ko, pati ng mga kalusugan ng pamilya ko, ang malaman ko ang dahilan kung bakit ako nandito sa planetang daigdig at syempre world peace. Siguro iniisip mo ang baduy ko na..hehehe..wala kang karapatang kwestyunin sinasabe ko dito..bertday ko kaya! kaya magtiis ka!.
Salamat. Isang bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa mga taong malapit sa akin, pero dahil naimbento ang salitang 'baduy' at 'corny' hindi ko masabe sa kanila, sa takot na mabansagan akong ganun. Alam kong mali kaso yun kasi ang palaki sa akin, ang mangasar pag may taong nagsabe ng 'kakornihan' at 'kabaduyan' sa isang tao. Pero dahil naimbento ang blog na ito at least masasabe ko na sa kanila.
Salamat sa mga kaibigan ko na kahit alam kong limot na nila na kaarawan ko pala ng ganitong araw eh andyan pa rin at handang tanggapin ang mga katarantadahan ko. Pero hindi naman silang lahat eh nakalimot, marami pa rin naman yung nakaalala, salamat sa Facebook at Friendster na nagpaalala sa kanila. Salamat dahil alam nila kung pano sakyan ang mga pambabara at pambabsag ko sa kanila.
At ang huli, Salamat sa Poong Maykapal, sa pagbibigay nya ng pagkakataon sa akin na mabuhay at mabuhay pa sa mundong ito. Aaminin ko hindi ako relihiyosong tao, hindi ako nagsisimba at hindi rin nagdadasal, ni hindi ko saulo ang parte ng rosaryo o ang mga kanta sa simbahan. Pero naniniwala ako at natatakot sa Diyos at sa mga batas na itinakda nya dito sa mundo. Ipinapakita ko ang pagiging katoliko ko at pasasalamat sa Kanya sa sarili kong paraan at alam Nya yun. Salamat po at patawad sa pagiging hindi mabuting halimbawa sa mga katoliko, sa mga kasalanan na nagawa ko sa loob ng tatlumpo't tatlong taon.
Ang araw ng kapanganakan ko. At ngayon pagkatapos ng dalawampu't tatlong taon na pananatili ko dito sa mundo, eto pa rin ako hindi alam kung ano ang papel sa buhay. Pero marami naman ang nanyari sa akin, nakatapos ako ng pagaaral, nakahanap ng trabaho sa isang call center, nakapunta kahit papano sa iba ibang lugar, nagkaroon at nawalan ng kaibigan, at marami pa.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin ngayong araw na 'to. Ang nanay ko pinipilit akong maghanda, mula kasi pagkabata ko laging naghahanda ang nanay ko tuwing kaarawan ko, ayoko lang ngayon, ewan, basta ayaw ko lang. Siguro kasi ang kaibahan ngayon eh, ako na ang gagastos ng panghanda ko hindi kagaya nung bata pa ko na ang nanay ko ang gumagastos lahat, kasehodang mangutang pa sya basta makapag handa sya sa kaarawan ko. Hindi ko masabing dahil mature na ko at para sa akin ang paghahanda eh isang kabulastugan lang, naisip ko lang din kasi na dapat dahil kaarawan ko ako ang papasayahin, ako ang bubusugin, hindi ako ang magpapakain, hindi ako ang magpapasaya, sabihin nyo na maramot ako, yun lang kasi ang pananaw ko.
Tumatak kasi sa akin yung ng sinabe ng supervisor ko noon, tinanong nya kasi ako kung bakit hindi ko pinagsasabe na malapit na ang kaarawan ko, sagot ko sa kanya, 'ayaw ko kasing manlibre, ang sabe nya sa akin, hindi daw ako dapat manlibre bagkus dapat ako pa daw ang ilibre dahil nagawa kong mabuhay ng ganun katagal sa mundo, dapat daw ipagsaya yun hindi sa pamamagitan ng paglibre ko sa mga taong bumati sa akin kung hindi ang paglibre o pagpapasaya nila sa akin. Naisip ko, tama sya, ngayon kasi pag kaarawan ng isang tao lagi nating hinaing ang libre, ni hindi na natin naiisip kung ano ba talaga ang gustong gawin ng taong yun sa pinakaespesyal na araw ng buhay nya. Kaya naman kapag kaarawan ng kaibigan ko, hindi ako nagpapalibre, hinihintay ko na lang na sa kanya na mismo manggaling na manlilibre sya. Biro lang!hehe!.
Nagpasa ako ng bakasyon sa trabaho ko sa araw na ito para kahit papano masaya naman ang kaarawan ko, pero ang totoo, hindi ko rin alam kung ano ang gusto kong gawin ngayon. Ang pakiramdam ko ayaw ko makihalubilo sa mga tao ngayong araw na 'to, pakiramdam ko I OWE THIS DAY TO MYSELF. Gusto kong umalis mag-isa pumunta sa mga lugar na hindi ko na napupuntahan at walang nakakaalam. Hindi mo alam pero nasisiyahan ako pag umaalis akong mag-isa lang. Isipin mo ng wirdo ako, pero masarap sa pakiramdam kapag wala kang tinatanong ng 'san mo gusto pumunta?', hindi ko kelangan makipag away kung yung isang kasama ko eh gusto ang isang bagay at ako eh gusto ang isa pa.
Wish. Hindi ko alam kung ano ang hiling ko sa araw na 'to..ewan..siguro ang hiling ko na lang eh ang tumagal pa ang buhay ko at ang buhay ng mga nasa paligid ko, ang mas lumusog pa ang kalusugan ko, pati ng mga kalusugan ng pamilya ko, ang malaman ko ang dahilan kung bakit ako nandito sa planetang daigdig at syempre world peace. Siguro iniisip mo ang baduy ko na..hehehe..wala kang karapatang kwestyunin sinasabe ko dito..bertday ko kaya! kaya magtiis ka!.
Salamat. Isang bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa mga taong malapit sa akin, pero dahil naimbento ang salitang 'baduy' at 'corny' hindi ko masabe sa kanila, sa takot na mabansagan akong ganun. Alam kong mali kaso yun kasi ang palaki sa akin, ang mangasar pag may taong nagsabe ng 'kakornihan' at 'kabaduyan' sa isang tao. Pero dahil naimbento ang blog na ito at least masasabe ko na sa kanila.
Unang una sa pamilya, mga kapatid at tatay ko na pinalake ako, pinakain, pinag-aral at lalong lalo na minahal (kahit hindi naman talaga nila sinabe sa akin). Aaminin ko hindi naman talaga kame malapit ng mga kapatid ko, pero kahit ganun masasabe kong kapag gipit ang pamilya, handa silang dumamay at maging malapit sa isa't isa kung kinakailangan.
Sa Nanay ko, sa pagtanggap sa akin, sa mga kaartehan ko, sa pagpapasensya nya akin sa dalawampu't tatlong taong pangungunsumisyon ko sa kanya. Hindi naman ako naging mabuting anak, alam ko yun, at hanggang ngayon eh ganun ako, pero tinanggap pa rin nya ako at handang dumamay sa akin. No words can describe how thankful I am that you are my mother. Salamat sa mga kaibigan ko na kahit alam kong limot na nila na kaarawan ko pala ng ganitong araw eh andyan pa rin at handang tanggapin ang mga katarantadahan ko. Pero hindi naman silang lahat eh nakalimot, marami pa rin naman yung nakaalala, salamat sa Facebook at Friendster na nagpaalala sa kanila. Salamat dahil alam nila kung pano sakyan ang mga pambabara at pambabsag ko sa kanila.
At ang huli, Salamat sa Poong Maykapal, sa pagbibigay nya ng pagkakataon sa akin na mabuhay at mabuhay pa sa mundong ito. Aaminin ko hindi ako relihiyosong tao, hindi ako nagsisimba at hindi rin nagdadasal, ni hindi ko saulo ang parte ng rosaryo o ang mga kanta sa simbahan. Pero naniniwala ako at natatakot sa Diyos at sa mga batas na itinakda nya dito sa mundo. Ipinapakita ko ang pagiging katoliko ko at pasasalamat sa Kanya sa sarili kong paraan at alam Nya yun. Salamat po at patawad sa pagiging hindi mabuting halimbawa sa mga katoliko, sa mga kasalanan na nagawa ko sa loob ng tatlumpo't tatlong taon.
" Real birthdays are not annual affair. Real birthdays are the days when we have a new birth." - Ralph Parlette
Hahahha! Kaya naman pala.
ReplyDelete