Tuesday, April 7, 2009

Hay malas, bakit ka ba naimbento?

Nakakabadtrip! ang ganda ganda ng araw ko tapos eto mapapala ko! gumagawa ng blog para sa kamalasang nadanas ko ngayong araw.

Hay malas ang galing mong tumayming!!

Pano ba naman kasi...

Nagpunta ko sa BPI para magwithdraw dahil magbabayad ako ng bill ko sa Globe. Andun na yung card sa loob at 5 minutes akong naghintay na mag-eject ng pera yung machine without even thinking na baka may problema yung ATM dahil unusual na ganun katagal ang proseso.

at yun na..akalain mong hindi pala available yung ATM. At si kuyang guard ang sabe sa 'kin try ko daw uli baka di lang naayos yung paglagay ko, and being the bobongpinoy i am, try naman ako.

wala pa rin..



sabe ni g*gong guard try ko naman daw sa isang ATM (kasi dalawa yung ATM dun sa branch na pinuntahan ko isang 1k lang ang nilalabas isang 500) so nagtry naman ako.

Ganun pa rin...

At dahil hindi ako marunong makinig sa mga kwento ng mga kaibigan ko na hobby daw ng BPI magdebit, hindi ko naisip na nadebit ako.

So pumunta na lang ako sa mall at naisip ko na dun na lang magwithdraw..

pag check ko sa Eastwest bank ATM..yun na..hindi daw enough yung laman ng card sa winiwithdraw ko...

Eh sure ako na merong laman yun.Di naman ako pilingera noh!..

Nung pag balance ko nakalagay 18 pesos na lang ang laman ng card ko!!!..pakshet!!.. bakit sa diname dame ng araw ngayon pang mahaba ang holiday ako nadebit!..mukang mapuputulan ako ng telepono..tsk tsk tsk!

Balik ako sa BPI para maprocess at mabalik ang pera ko..sabe ng naka duty dun baka daw 2 weeks pa bago mafix kasi daw holiday at kung ano ano pang kachorvahan ang pinagsasabe nya na hindi ko na narinig dahil nagregister na lang sa utak ko na 2 weeks ko pa bago makukuha yung pera..

naknang naman!..

Kaya heto ako ngayon badtrip at walang pera..

Hay buhay!!..iba rin humirit to si malas eh, todo todo kala mo wala ng bukas.

No comments:

Post a Comment