I know, iniisip nyo parang puro mga kamalasan ko na lang ang kinukwento ko dito sa blog ko. Well, masisisi nyo ba ko?! Ikaw kaya ang walang swelduhin?! matutuwa ka ba sa mundo nun?
Ganito kasi yun...
We had a family reunion and I needed to take a leave from April 4-7. I submitted my leave I think, about a month before to make sure that it will be approved. (parusa talaga ang approval ng leave sa company namin). I never had any problem with attendance before and that's something that I can brag about kasi ang taas talaga ng absentism sa department namin kahit noon pa.
April 2. Wala pa rin akong balita kung naaprove ba yung leave ko o hindi. Medyo badtrip na ko nun kasi matagal na nung last akong nagleave, I think September last year pa yung last leave ko.
April 3. It was my off and I was already in Quezon. Before I took my off, I told my Sup na aabsent ako on the said dates kung hindi maaprove ang leave ko, which I think she took it seriously, kasi nga galit ako nung sinabe ko yun (nagkasagutan kasi kame nung time na yun, pero di ko na idedetalye), pero sa totoo lang di ako masyadong seryoso nung sinabe ko yun, oo aabsent ako pero hindi 4 days na sunod-sunod. takot ko lang na mawalan ng suswelduhin.
Pero yun nga, I got a message from my office mate na ang naaprove lang daw na leave ko is april 5 and 7. Kumusta naman?!para talagang nang aasar yung scheduler. Reply ko sa office mate ko, "sabihin mo kay TL, alam nya na".
April 4. I recieved a call from my Sup telling me that i need not to worry about my leave because she already took care of it. Ako naman di ko na tinanong kung pano nya ginawan ng paraan yun, kahit pa na alam ko na pag naaprove na leave mo final na yun. So I just enjoyed my vacation and went back to Manila on April 7.
April 8. I went to work. The usual kumustahan and all. When i check my schedule viewer, that's when i found out that I was on PLA (PLA in my company's language is Prolong Leave of Absence. Inactive ang status mo, as if hindi ka connected sa company, nakahold lahat especially your salary). Nagulat ako and nag worry, kasi I know the consequences if my status won't be change in time for the salary payout. Eh kung mas mamalasin pa nga naman ako, Holy Wednesday na nung araw na yun, ay gabe pala, which means na if mag email man ang Sup ko, requesting for a change of my employee status, walang makakareceive nun dahil: first, Gabe na nga nung nalaman ko. And second, start na ng vacation for our payroll department the next day kasi nga Holy Week. At yun nga! Monday pa nila marereceive yun which is April 13.
Chill pa lang ako nun kasi 2 days pa naman before magsweldo marereceive na nila. So positive pa ko na makakasweldo pa ko.
April 13. I asked my Sup kung ok na. Ang kaso naifollow up nya gabe na (we are on a night shift). Siguro iniisip ng Sup ko na since karamihan ng empleyado ng kumpanya gabe pumapasok, ganun din pag back office. So naturalmente, nareceive ng payroll yung follow up email kinabukasan na ng April 14.
April 14. I check my ATM kung may laman na before ako pumasok.Wala. I ask my Sup and she told me that she received an email na hindi naactivate ang status ko in time for the payout and that susweldo ako on April 30.
Wow!!Para akong merong Vertigo nung narinig ko yun. 15 days!.15 days akong gagapang papuntang office at pabalik ng bahay dahil wala akong pera. (Bread winner ako samin at wala akong ibang maasahan na magpapahiram sa kin ng pera, bagkus ako pa nga ang inaasahan)
Eto pa pala, kahit anong tumbling ang gawin ng Sup ko para lang payagan ako ng payroll ng special payout ayaw talaga nila, so in short final na na sa April 30 ako susweldo. Gusto kong magwala, pero alam kong wala namang mangyayari dun at isa pa napakinabingan ko naman yung naPLA ko kaya di ko rin masisi ang Sup ko dahil nakita ko naman yung effort nya na maayos ang sweldo ko. So napaiyak na lang ako. Ikaw kayang walang swelduhin.
Well, the good thing lang about this struggle eh,nakilala ko kung sino ang mga totoo kong friends at kung sino yung friend for benefits lang. I know, that might sound cliche to you, pero totoo yun. Im not expecting naman na lahat ng "friends" ko, mag ooffer na pautangin ako eh. Ang akin lang eh yung at least nageffort sila or icomfort ka lang. Super matutuwa na ko nun, kasi ganun ako eh, especially kung monetary problem lang, kahit last cent ko ibibigay ko sa'yo (Hindi 'to sa pagbubuhat ng bangko ah). Pero yun nga, sad to say, may mga akala kong friends ko na hindi ganun. May ibang hindi nakaintindi (marami kasi akong utang!hehehe!), meron namang kinwentuhan ko lang NR naman, akala siguro uutangan ko sila. Tsk.
Pero hindi naman lahat negative, meron naman akong mga friends na super effort talaga para tumulong, at take note, eto pa yung mga friends na recently ko lang nakilala at masasabe kong naging mean pa ko sa kanila, pero willing magpautang kahit magkano. Super touched talaga ako sa kanila. Alam nyo kung sino kayo, Salamat. Seryoso, marami talagang salamat, kahit hindi nyo ko napautang pero yung effort na gusto nyo tumulong super natouch na ko nun. Thank you talaga.
So ngayon pulubi pa rin ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment